ang pinakabagong paglilipat ng kaalaman dulot ng
teknolohiya. Nagiging makulay at komplikado ang paraan ng pagtatala at pagsasalin ng
panitikan dahil sa mga kagamitang audio-visual. Katulad na lamang ang mga malayang
pagpapahayag ng mga akda gamit ang radyo, telebisyon at pelikula na mas masining
dahil halos lahat ng uri ng sining, musika, sayaw, arkitektura, fotograpiya, pintura at iba
pang kauri ay nagpasama-sama. Sa kasalukuyan, mas higit itong kinahuhumalingan ng
madla lalo na ng kabataan kaysa pagbasa dahil bukod sa napakamalikhain at
napakasining ay napakamakatotohanan pa ang mapanlibang at mapangaral na
pagtunghay dito
Pasalintroniko o paelektroniko