Tagabantay sa lupa
Patianak
ito’y naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning
panlipunan ng panahong yaon. Malimit itong maririnig noon sa mga kasayahan, pagtitipon at mga
lamayan. Karamihan sa mga ito ay hindi nagtataglay ng ngalan ng may-akda lalo na’t pasalindila
lamang ang uring ito.
Kwentong bayan
Mga halimbawa ng kwentong bayan
Ang Pakikipagsapalaran ni Juan Pusong
Si Juan Tamad na’y Matakaw Pa
Si Juan Tamad at ang Kura
Si Lolo Jose at ang Kapre
Ang Trahedy sa Makopa
Si Pusong at ang Sultan
Ang Lalaking may Tatlong Maybahay
kwento o salaysay na ang mga gumaganap ay mga hayop na nagsasalita. Layunin
nito na itatak sa isipan ng mga mambabasa o nakikinig lalo na ng mga bata ang katapangan,
kagitingan, kagandahang-asal, ang pagkamasunurin sa magulang, pagkamapitagan sa
matatanda, at ang pananampalataya sa Diyos.
Pabula
Isa sa mga kilalang mangangatha nito ay si
Aesop ng Griyego.
kwento o salaysay batay sa banal na kasulatan na naglalahad ng katotohanang
moral o espiritwal sa pamamagitan ng mga matalinhagang paraan
Parabola
Mga halimbawa: ng Parabola
Ang Alibughang Anak
Ang Nawawalang Tupa
Ang Mabuting Samaritano
Ang Sampung Dalag
kwento o salaysay na maaaring batay sa tunay na karanasan o hindi, katawa-
tawa at may naiiwang mahalagang kaisipan sa mambabasa.
Anekdota
kwento o salaysay na nag-iiwan ng isang impresyon o kakintalan sa
mambabasa. Ito ay maikli at maaaring matapos sa isang upuan lamang. May kakaunting
tauhan, tagpo at mga pangyayari.
Maikling Kwento
Uri ng Maikling Kwento
Salaysay
Kwento ng Madulang Pangyayari
Kwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa
Kwento ng Pag-ibig
Kwento ng Kababalaghan
Kwento ng Katatakutan
Kwento ng Katatawanan-
Kwento ng Katutubong Kulay
Apologo
Kwento ng Talino
Kwento ng Pagkatao
Kwento ng Sikolohiko
malawak ang saklaw ng kwento ngunit ang paglalahad sa mga bahagi
(tauhan, pook, panahon) ay maluwag at timbang
Salaysay
ang galaw ng kasaysayan ay umiikot sa pag-ibig, kaya ang
paglalahad sa iba pang mga sangkap ng kwento ay madalian, mababaw at hindi
kapuna-puna
Kwento ng Pag-ibig
ang pangyayari sa loob ng kwento ang siyang
nagingibabaw sapagkat dito nasasalig ang magiging katayuan o kalagayan ng mga
tauhan
Kwento ng Madulang Pangyayari
ang balangkas ng kwento ay nakakawili at
siyang nagbibigay-buhay sapagkat tumatalakay sa sunod-sunod at masiglang
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
Kwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa
naglalaman ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan
sapagakat salungat sa batas ng kalikasan at nakatuwirang pag-iisip. Ang ganda ng
kwentong ganitong uri ay nasa pananabik na malaman kung paano
mapagtatagumpayan, malulutas o maipapaliwanag ng bayani ang kababalaghang
nagaganap.
Kwento ng Kababalaghan
matindi ang damdaming nagbibigay-buhay sa kwentong ganito,
sapagkat ang kaisahan ng mga sangkap, napakaikling panahon, iisang pook at iisang
galaw ng pangyayaring pinagbuklod nang mahigpit upang palitawing lalo ang damdamin
ng takot at lagim
Kwento ng Katatakutan
Malaki ang pagkakatulad ng ganitong kwento sa salaysay
sapagkat ang galaw ng mga pangyayari ay magaan, mababaw at maaaring pabago-
bago ang balangkas.
Kwento ng Katatawanan
nagbibigay ng aral sa buhay sa pamamagitan ng pagkasangkapan sa mga
tauhan at pangyayari sa kwento. Ang pabula ay isang karaniwang anyo nito.
Apologo
nangingibabaw ang paglalarawan sa isang tiyak na pook:
ang anyo ng kalikasan doon at ang uri, pag-uugali, paniniwala, pamumuhay at
pamantayan ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
Kwento ng Katutubong Kulay
ang balangkas ng ganitong kwento ay isang kalagayang punong-
puno ng suliranin na hahamon sa katalinuhan ng babasa upang lutasin. Kung matalino
ang kumatha ng kwento, maaari niyang ibitin sa pananbik ang bumabasa hanggang sa
katapusan ng kwento.
Kwento ng Talino